Akala ko dati, kapag content creator lang at hindi naman artista ang anak, hindi na kailangan ng Working Child Permit (WCP). Pero ayun, may mga projects pala na kailangan din nito, of course, paid naman ang mga campaigns na ganito. Huwag ka papayag na required ang WCP kung hindi paid ha. Dati, puwedeng online application lang, pero ayon sa bagong memo ng DOLE, kailangan na face-to-face na ang pag-apply ng permit. And this is my experience for DOLE Working Child Permit Application, hopefully makatulong sa mga mommies or daddies na first time gagawin ito.

Step 1: Prepare the DOLE Working Child Permit Requirements
The agency I’m working with for this campaign is very helpful. Sila talaga ang nag provide ng mga kailangan ko and helped me sa bwat step by step ng application. Always checking on me and making sure na walang hassle on my part. Kaya shout out guys!! I super duper love working with your TEAM!!!
- 2 passport-size pictures ng bata
- PSA Birth Certificate ng bata
- Government issue ID ng parent
- Medical certificate (must be within 1 month ng application)
- School certificate (proof na enrolled ang bata)
- Memorandum of Agreement (MOA) with the company – dapat naka-state doon ang salary at notarized
- Filled-out application form for the Working Child Permit – notarized din
- Bank certificate – required only kung renewal na, hindi na kailangan for first-time applicants
Pro tip: prepare extra copies just in case may kulang o nagkaproblema sa printing.
Based on my experience applying for DOLE Working Child Permit sa DOLE PAPAMAMARISAN office, may photocopy na sila doon, so kahit hindi original docs ang dala mo at wala ka extra copy, they will make one for you at no cost.
Step 2: Submission at the DOLE Office
Para sa mga taga Pasig, Pateros, Mandaluyong, Marikina, at San Juan, ang DOLE PAPAMAMARISAN office ay nasa Floro Printing Building, Meralco Avenue corner EDSA, malapit sa Estancia Mall. PAPAMAMARISAN is Pasig, Pateros, Mandaluyong, Marikina, San Juan.
Pagdating sa office, ipapasa mo lang ang application with complete DOLE Working Child Permit requirements. Mabilis lang ang process kung kumpleto ka.
Step 3: Zoom Orientation
The next day after submission, may Zoom orientation si DOLE para i-discuss ang rules sa child employment at reminders sa mga parents. Maganda rin kasi very informative at malinaw ang explanation nila.
Step 4: Payment and Releasing of Permit
After ng zoom orientation, wait for confirmation kung ready na ang Working Child Permit ID ng anak mo. You need to go back sa DOLE PAPAMAMARISAN office to pick up and pay 100 Pesos.
Timeline and Expenses
Monday: Submitted application form and other documents
Tuesday: Zoom orientation
Wednesday: Permit released
Documents Processing Time:
Medical certificate – same day
School certificate – 1 day
Bank certificate – 2 days
Expenses:
Notary (2 docs): ₱300
Picture: ₱399
Card: ₱100
Bank certificate: ₱100
School docs: ₱100
Total: ₱999
Final Thoughts
Sa totoo lang, akala ko hassle ang pagkuha ng DOLE Working Child Permit, pero naging smooth ang process dahil kompleto ako sa requirements (again salamat sa agency for this) at maayos ang system ng DOLE. Very accommodating din si Sir Abbu from DOLE. Sulit naman ang pagod.
Kaya sa mga parents na may anak na may modeling, commercials, or film projects — siguraduhin nyo munang kumuha ng DOLE Working Child Permit. Simple lang ang process basta kumpleto ang documents.
















