Mommy Pehpot

Top Mommy Blogger Philippines- Super Mommy; Award Winning Mommy Blogger

  • Home
  • About Me
  • Work With Me
  • Daily Vlog
  • Disclosure
  • Events

Gamot Sa Kuto: Tried And Tested Treatment

Madalas pag pasukan na, problema nating mga nanay ang kuto. Ano ba ang gamot sa kuto? Bakit pabalik balik ang kuto? Ano and tried and tested kuto treatment para maiwasan ang pagkamot kamot ng ating mga anak?

Here’s the simple solution to head lice infestation:

1. Gumamit ng anti kuto shampoo kagaya ng Licealiz. From my expereience Lizealiz ang gamot sa kuto na naging effective sa anak ko.

Gamot Sa Kuto: Tried And Tested Kuto Treatment

Just follow the instruction at the back of the bottle pero mas effective kung susundin mo din ang mga sumusunod:

  • i massage mabuti ang shampoo sa ulo lalo na sa may batok, sa may malapit sa noo at sa may likod ng tenga. Based on our expereince, diyan sa pwesto na yan madaming lisa o itlog ng kuto. Kumbaga, yan sa mga area na yan matatagpuan ang paanakan ng mga kuto.
  • Siguraduhing naibabad ng mahigit sa sampung minuto ang buhok bago banlawan.
  • Banlawang mabuti ang buhok at patuyuin. Banlian yung tuwalya na ginamit para mamatay ang kuto na napasama sa tuwalya.
  • Patuyuin ang buhok at gumamit ng magic suyod.

Saan nakakabili ng magic suyod

Eto po ang itsura ng magic suyod. Saan nakakabili ng magic suyod? Marami po nyan sa palengke. Meron din sa Lazada pero sobrang mahal! Mas mura sa shoppe, may handle pa yung iba.

2. Make sure na laging malinis ang buhok ng mga bata. I shampoo at least once a day ang buhok at siguraduhin na nabanlawang mabuti. Teach your kids proper hair hygiene and teach them to comb their hair always. Huwag igaya sa atin na takot sa suklay.

3. Braid your child’s hair always. Effective ito para maiwasan ang pagkahawa ng kuto sa mga kaklase. Based on my readings, head to head is the most common route of lice transmission. Head to head contact ang expressway nila mga inay. Of course hindi naman maiiwasan yan di ba? So to minimize, i braid mo ang hair ng anak mo para hindi masyadong madikit sa buhok ng kaklase nya ang buhok nya.

4. Labhan or disinfect ang unan ni bata. Head lice can live off the head for 48 hours. Nabubuhay sya sa mga soft materials gaya ng pillowcase at jacket. Kung tamad ka maglaba, plantsahin mo na lang yung mga unan na ginamit ng anak mo at bedsheet.

5. Gumamit pa rin ng anti kuto shampoo kahit once a month to prevent another episode of head lice infestation.

Mas mainam din if lahat ng tao sa bahay, lalo na ang mga babae (katulong, lola, o ikaw mismo inay) ay gagamit ng anti kuto shampoo.

Share the love

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • Email
  • Print

Related

Leave a Comment Filed Under: Health and Wellness, KIDS

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Mommy Blogger Pehpot

Search

Popular Posts

  • Meat-Free Recipes For Holy Week
    Meat-Free Recipes For Holy Week

Recent Posts

  • Meat-Free Recipes For Holy Week
  • Harry Potter Concert Manila
  • Baguio House with Kitchen For Rent
  • Modern Swimming Pool- Trending Pool
  • Quality Toy Cabinet For Storage
  • Cheesy Chicken Katsu Curry
  • Best Asian Mom Blogs 2025
  • UNIQLO 2025 Spring/Summer LifeWear Collection
  • Uniqlo Logo Store Philippines Shopping
  • Top Filipino Mom Influencers in 2025

Home and Living

Baguio House with Kitchen For Rent

Cheesy Chicken Katsu Curry

Pinoy Christmas Potluck Food Idea: Sandwich

Blog Buzz & Media Updates

Meat-Free Recipes For Holy Week

Harry Potter Concert Manila

UNIQLO 2025 Spring/Summer LifeWear Collection

Get more mommy stories and parenting tips straight to your inbox:

Useful Links

  • Kids
  • Home & Living
  • Parenting
  • Personally Pehpot

PSA Birth Certificate Delivery Service

PSA Birth Certificate Delivery Service

SEARCH MY WEBSITE

· Copyright © 2025. Site brewed with love by Squeesome Design Studio ·

loading Cancel
Post was not sent - check your email addresses!
Email check failed, please try again
Sorry, your blog cannot share posts by email.