Mommy Pehpot

Top Mommy Blogger Philippines- Super Mommy; Award Winning Mommy Blogger

  • Home
  • About Me
  • Work With Me
  • Daily Vlog
  • Disclosure
  • Events

Practical Cooking Tip: Vegetable Blanching

Blanching is a cooking process where in you submerge a food substance, mostly veggies and fruits, in boiling water for a few minutes then placed under cold running water to stop the cooking process. Why you should practice blanching? Because it is a tried and tested time saver! Maniwala kayo sa akin mga inay!


Akalain mong 3 minutes lang may guinisang gulay na kame. Chopsuey can be done in less than 10 minutes! Promise talaga, this technique is a life saver. This is a must if you are yayaless like me and have mouthssss to feed!

How to properly blanch vegetables? Is there a guide in blanching? Ilang minutes ba dapat?

How long should I blanch? Minutes always depends on the thickness or size of the veggies. Broccoli florets (around 1 1/5 inch diameter) is usually blanched for 3 minutes. Smaller veggies are blanched for lesses time. Thinly sliced vegetables such as carrots are blanched really fast. Yung tipong ilublob mo lang yung veggies sa boiling water then running water na. Always use a strainer, a must have in the kitchen yung medyo malaki na strainer.

Can I reuse the boiling? I do but for veggies that are peeled only. Say, I will use it for carrots, then cauliflower, then broccoli.

Can I blanch all kinds of vegetables? Here are the list of veggies that we tried:

  • sigarilyas (because that’s my fave!!) We usually blanch 1 kilos of sigariylas
  • sitaw and it goes well with almost anything! Adobong sitaw, sinigang na baboy, guinisang ampalaya, pakbet, guinisang kalabasa, the sitaw possibility is endless!
  • Kalabasa
  • Sayote, it should be super quick too! Madali sya matunaw
  • Patola, I tried pero natunaw na sya agad haha
  • Puso ng saging, OK din but nangingitim sya so I would not reco
  • Siling panigang. Favorite ng nanay ko mag blanch ng siling panigang, mahal daw kase eh. So pag nagmura na, buy sya mga 1 kg then blanch nya.
  • Kangkong and talbos ng kamote, super quick lang dapat
  • Baguio beans, also super quick lalo na if sliced na
  • Potato medyo matagal, 8-10 min
  • Labanos we also tried, dapat sobrang bilis lang

Yan ang naalala ko so far but basically, we blanch veggies based on recipe. So if we have plans to cook chopsuey, will blanched all ingredients then sama sama na sila sa ziplock.

Another advantage if blanching is mas maganda yung kulay ng gulay, mas matingkad sya and I do not know why. As to nutrient loss, yes merong loss, but hello, at least hindi sanity mo na loss because with blanching, hindi ka na maloloka sa pag aasikaso ng lutuin.

You will need at least half the day to blanch a 2 week vegetables menu. Isang paguran lang but hayahay na buong linggo di ba. Try mo din and tell me how it went for you.

Leave a Comment Filed Under: Anything Food, HOME & LIVING, House and Home

Jollibee Party Tipid Hack

The last time I was this busy and spending so much time at Jollibee Party website was in 2010 for Sati’s 1st birthday party. I can’t remember how much I spend for her party but after reading my Jollibee Party post (Jollibee Party Tinkerbell theme), it’s almost 18,000 for 70 adults + 30 kids. Is it time for another Jollibee party? This time for Baby Marius? Pwede.. pwede ring hindi but this Jollibee Party Tipid Hack is super cheap! After spending an hour at Jollibee Party website, came up with a hack good for 70 adults and 30 kids, magkano? 18,000 Pesos lang! 8 years pagitan pero hindi nagkakalayo ang presyo.

Jollibee Party Tipid Hack

 

featured photo from The Peach Kitchen

O bakit may Jollibee Party Tipid Hack? Kase mga inays, when you check Jollibee Party website, may food packages na sila. Upon careful investigation, I learned na ang food packages ay medyo mahal. Comparison:

Jollibee Party Tipid Hack

Jollibee Party Tipid Hack

Kung Food Package D ang bill mo ay 225 Pesos per package, pero pag gumamit ka ng create your own meal, 178 pesos lang! Eto ang catch, if your are going to create your own meal, dapat mag spend ka muna na at least 5000 Pesos sa mga solo meals (party fee not included).

Jollibee Party Tipid Hack, Challenge Accepted!

Pagkatapos kong maka isang bucket ng chickenjoy, nakagawa din ako mahusay husay at tipid na computation!

Kung gusto mo namang sagarin at itodo ang pagpakain sa bisita mo at bet mo ang Food Package D, here’s the Jollibee Party Tipid Hack. Ang laki ng natipid mo di ba?

Halos 5000 ang matitipid mo using this hack! And 19,300 for 100 people is a very very good deal!

>>Food Package good for 100 Pax<<

Food Package D: P225

  • Chicken with rice, drinks + fries
  • spaghetti
  • sundae

Total price including party fee: P24,000

>>Create Your own meal<<

  • Spaghetti 50 x 100= P5000 (solo meal 5000)
  • Chicken with rice, drinks + fries: P99 x 100= P9900
  • sundae: P29 x 100= P2900

Total price including party fee: P19300

SAVINGS>>>24000-19300= 4700 Pesos!!!!!!!

Book your party na sa Jollibee Party Website!

Jollibee Party Frequently Asked Questions:

  1. May bayad ba ang venue? WALA, it’s free pero limited time only.
  2. Party Decorations? Pwede ka magdala but hindi ka pwede magbutas ng pader kung magsasabit ka.
  3. Photographer? Videographer? Photobooth? Pwedeng pwede but depende sa size ng venue ang photobooth.
  4. Pwede ba magdala ng cake? Highly discouraged, dapat Red Ribbon ang cake. If mapilit si costumer, may ibang pumapayag pero hindi ipapakain sa guests during the party. Same goes with cupcake, hindi pwedeng ipakain sa costumer. BAKIT? to ensure na lahat ng food na kakainin ng costumer ay galing sa Jollibee. Kung sakali kase magkaroon ng kaso ng food poisoning, sino ang sisihin? Paano malalaman kung kay Jollibee galing or sa food na dinala nyo.
  5. Pwede ba mag set up nf candy buffet, may ibang branch na pumapayag pero mas marami ang hindi. Same na rason sa taas.
  6. Pwede ba magdala ng sariling lootbags? Pwedeng pwede basta hindi kita ang laman sa loob.
  7. Pwede ba magprint ng sariling invitation? Pwede pwede din basta wag lang may character ni Mcdo.
  8. Pwede ba mamili ng character na wala sa choices? Depende, kung gamit ng ibang food establishment, hindi dapat. Licensed kase sa kanilayung character and they paid for that, respeto na lang.

If you have more questions, comment ka lang, marami sasagot sayo from experience 🙂

43 Comments Filed Under: Tipid Tips

Pampaswerte sa 2018: New Year Traditions For Luck

Happy New Year guys! It will New Year in a few days and I am very excited for so many reasons. Number one is, I am turning 36 in 2018. Another reason is, I love any number that ends with 8, I feel like I will be more swerte this coming year. Feel mo din ba na mas magiging swerte ka sa 2018? Or naghahanap ka ng mga Pampaswerte sa 2018? Ano ba ang dapat gawin for New Year para mas maging swerte?

Pampaswerte sa 2018: New Year Tradition For Luck

Pampaswerte sa 2018: New Year Tradition For Luck

13 Round fruits Maglagay ng mga bilog bilog na prutas sa lamesa kung saan gagawin ang handaan para sa New Year’s eve. Why 13? It represents every month of the year plus 1 more month, giving you more than what you need for. Bakit daw bilog? Because it represents endless blessings. Mga example ng bilog na prutas:

  1. Pakwan
  2. Apple
  3. Pears
  4. Green Pears
  5. Ponkan
  6. Dalanghita
  7. Melon
  8. Grapes
  9. Pomelo
  10. Green Apple
  11. Chico
  12. Green Grapes
  13. Kiat Kiat
  14. round papaya
  15. round guava
  16. atis
  17. Kaymito
  18. Lychee

Aside from fruits, maswerte din na maglagay ng chocolates at coins sa lamesa.

Coins. Pagdating ng 12 midnight, maghagis ng barya sa loob ng bahay, usually ginagawa ito sa sala or kung saan ang pasukan ng bahay. Magtago din ng mga barya sa buong bahay pero ilagay ito kung saan madali ito makita.

Loud Sound and music. Pagdating ng 12 midnight mag ingay ng mag ingay para itaboy ang malas. Sabayan ito ng patugtog ng masasayang kanta to welcome swerte.

Lights. Dapat bukas lahat ng ilaw sa bahay mo pagsapit ng alas dose. Lahat ng ilaw pati sa banyo o kusina o garahe, basta dapat lahat ng ilaw ay nakabukas.

Food for New Year’s Eve. Ano ba ang swerteng handa for New Year’s Eve? Para mas maging swerte pa ang taon mo, maghain ka ng isdang malaki for New Year’s Eve (fish suggestions recipe). Pwede din naman ang karne o baka pero huwag na huwag ka daw maghahain ng manok at crab. Magiging isang kahig isang tuka ka daw pagh naghain ka ng manok for New Year’s Eve. Gagapang ka naman daw sa hirap pag crab. Maganda din na maghain ng pansit o kahit anong noodles for long life. Maganda din daw na may handa na malagkit gaya ng biko.

Clothes to wear. Ayon sa matatanda, maswerte magsuot ng polka dots pag New Year. Pwede ka din magsuot ng mga lucky colors for 2018 like green, black or blue. Basta kahit ano pa ang suot mo, siguraduhin mo na may lamang pera ang bulsa mo.

Rice, Salt, Sugar, Water, and Coffee. Dapat pagsapit ng New Year puno ang lagayan mo ng tubig, kape, asukal, asin at bigas.

 

We usually practice most of the traditions listed here. I can say na maswerte talaga ang taon ko every year. Of course hindi lang naman reason yung mga Pampaswerte sa 2018 para maging maswerte taon mo, hard work din mga guys at samahan ng dasal at pagiging mabait sa ibang tao.

HAPPY NEW YEAR!

Leave a Comment Filed Under: HOME & LIVING, House and Home, Money Matters, Party and Occasions

  • « Previous Page
  • 1
  • …
  • 22
  • 23
  • 24
  • 25
  • 26
  • …
  • 81
  • Next Page »
Mommy Blogger Pehpot

Search

Popular Posts

  • Mommy Blog Philippines Advantages
    Mommy Blog Philippines Advantages

Recent Posts

  • Mommy Blog Philippines Advantages
  • Pinoy Creamy Sopas Recipe
  • Enhance Yourself as a Content Creator: 5 Ways to Bounce Back from a Lost Campaign
  • Dehumidifier Philippines Where to Buy
  • Solution For Molds Rainy Season
  • OPPO Service Center Promo
  • Les Miserables Manila 2026: World Tour Spectacular
  • Pasig Family Fun Run: Mommy Milkshake Run
  • Viral TikTok Drip and Bites Cookies
  • Social Media Influencers Philippines

Home and Living

Pinoy Creamy Sopas Recipe

Solution For Molds Rainy Season

Viral TikTok Drip and Bites Cookies

Blog Buzz & Media Updates

OPPO Service Center Promo

Cebuana Lhuillier Gold Bar: Limited Edition

American Standard Celebrates 150 Years

Get more mommy stories and parenting tips straight to your inbox:

Useful Links

  • Kids
  • Home & Living
  • Parenting
  • Personally Pehpot

PSA Birth Certificate Delivery Service

PSA Birth Certificate Delivery Service

SEARCH MY WEBSITE

· Copyright © 2025. Site brewed with love by Squeesome Design Studio ·